6/recent/ticker-posts

Isa sa Limang Guro sa U.S. ay Kulang sa Teknolohiya to Teach Remotely


Bagama't hindi pa magtatapos ang pandemya, sapat na oras ang lumipas mula nang magsimula itong sukatin at suriin ang ilan sa kung nasaan tayo at kung ano ang nagbago.

Bilang halimbawa, ang edtech gaming studio na Kuato Studios ay naglabas kamakailan ng isang survey ng mga magulang, mga guro at gamers ngayong buwan na nagtatanong tungkol sa kanilang teknolohikal na paghahanda at pa-adjust sa pagtuturo at pag-aaral sa nakalipas na kalahating taon. Ito ay nilahukan ng isang libong magulang at 600 guro sa UK at U.S.

Ang isa sa mga natuklasan na namumukod-tangi ay mas mataas ng humigit-kumulang 70% ng mga magulang sa parehong bansa ang nagsabing mayroon silang mga kinakailangang gamit o bagay sa teknolohiya bago pa ang pandemya - mga bagay tulad ng mga laptop, malakas na koneksyon sa internet, mga tablet. Sa Estados Unidos, 12% lamang ng mga magulang ang nagsabing "wala," wala silang kinakailangang teknolohiya; sa U.K naman ay 11%.

Halata na ang 11% at 12% ay masyadong marami. At ang mga kulang sa mga kagamitan ay bumaba nang sobra at hindi proporsyonal sa mga nahihirapan na. Gayunpaman, parang mas maliit na porsyento ng mga magulang ang hindi handa sa teknolohiya.

Ang mas nakakagulat ay ang porsyento ng mga guro na nagsabing kulang sila sa mga kagamitan sa teknolohiya upang pamahalaan ang mga katotohanan ng pandemya.

Sa U.S., tinanong ang mga guro, “Bago ang pandemya mayroon ka bang pansuportang imprastraktura para sa pagpapadali ng mga online na klase. ibig sabihin, kagamitan tulad ng mga laptop/tablet, wifi?” At habang 48% ang nagsabing ginawa nila, halos isa sa tatlong guro (32%) ang nagsabi lamang ng "medyo" at isang nakakagulat na isa sa bawat limang guro ang nagsabing wala.

Sa U.K., isa sa bawat tatlong mga guro ang nagsabing "medyo" lang ang mayroon sila ng kailangan nila at 16% lang ang nagsabing wala sila.

At bagama't hindi inaasahan ang paparating na pandemya, ang 20% ​​ng mga gurong Amerikano ay nagsabi na wala silang kagamitan na kailangan nila upang magturo nang malayuan o distance learning. Ito ay medyo nakakagulat kasi gumagastos naman ng bilyun-bilyong dolyar bawat taon sa teknolohiya ng edukasyon, at talaga namang nakakapagtaka.

Ito ay kapansin-pansin na mayroong kasunduan sa lahat ng mga na-survey na ang teknolohiya ay "kritikal sa edukasyon ng kanilang mga anak."  Ito ay 86% ng mga magulang sa U.K. at 93% sa U.S. ay interesado silang maging involve sa pag-aaral ng kanilang mga anak nitong pandemya. Iyan ay hindi nakapagtataka. Palaging sinasabi ng mga magulang na gusto nilang gumawa ng higit pa.

Tinanong din ng survey ng Kuato ang mga guro kung ano ang kanilang nangungunang tatlong "mga hamon sa pagtuturo" sa panahon ng pandemya. Sa U.K., sinabi nila: ang kakayahang matugunan ang mga indibidwal na pangangailangan ng bawat bata, ay nahihirapan sa sitwasyon at sa proteksyon at kaligtasan ng mga bata, marahil sa mga online na setting. Sa States naman, ang tatlo ay: nahihirapan, kakayahang matugunan ang mga indibidwal na pangangailangan ng bawat bata at pakikipag-ugnayan ng mga bata - paglaban sa pagkagambala. Kapansin-pansin na ang "proteksyon at kaligtasan" ay wala sa nangungunang tatlo sa Estados Unidos.

Sinabi ni Mark Horneff, CEO ng Kuato Studios, tungkol sa survey, "Sa iba't ibang mga lockdowns, ang mga magulang ay nape-pressure, hindi lamang sa hindi mabigyan ang mga bata ng mga kagamitan, kundi pati na rin ang paggaya ng kapaligiran sa silid-aralan - habang abala sa pagtatrabaho mula sa bahay at kasama na ang homeschooling." Idinagdag niya, "Sa kabila na ang teknolohiya ay itinuturing na kritikal para sa pag-aaral, sinabi ng mga guro sa magkabilang panig ng Atlantic na ang pagtugon sa mga indibidwal na pangangailangan at pakikipag-ugnayan sa mga bata bilang mga pangunahing hamon sa panahon ng pandemya."

Gayunpaman, mayroong pinagbabatayan na positibo sa mga resulta ng survey.

Ang mataas at malinaw na tugon sa lahat ng pangkat ng survey na ang pinaka-inaasahang teknolohiya sa pag-aaral ay ang virtual reality. Sinasabi rin ng mga magulang at guro na ang paglalaro ay isang nagbibigay motivation o lakas sa pamamagitan ng "paghawak ng atensyon ng mga bata, pagpapalawak ng kanilang imahinasyon at pagtulong sa mahahalagang kasanayan sa motor at koordinasyon ng kamay-mata," sabi ng kompanya.

Marami pa tayong kailangang matutunan tungkol sa pag-aaral sa nakalipas na taon at kalahati, lalo na habang naghahanda tayo - marahil - baguhin muli ang mga bagay. Ang ilan sa mga hamon ay nananatiling malinaw.

"Ang hamon para sa mga paaralan ay upang mapanatili ang gana at visibility ng teknolohiya sa edukasyon, upang makahanap ang mga paraan upang isama ang mga digital na kasanayan upang sa darating na taon ay hindi na sila mahirapang muli," sabi ng eksperto sa teknolohiya ng edukasyon na si Al Kinsley, CEO ng Net Support , na nagpapayo sa mga paaralan sa magkabilang panig ng Atlantic. "Habang sumusulong tayo, dapat nating tiyakin sa huli na pagkatapos ng pagdating ng mga bagong kagamitan o device at teknolohiya sa ating mga paaralan, ang mga ito ay tunay na maghahatid ng pagbabago sa edukasyon."



Post a Comment

0 Comments